^

Punto Mo

‘Sementeryo’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAUPO ako at naging kalmado. Natatandaan ko ang ikinuwento ni Itay na minsan na raw siyang naligaw sa gubat. Lakad daw nang lakad si Itay pero pabalik-balik lang daw siya. Nang mapagod, naupo na lang daw siya at nag-isip ng paraan. Kuwento ni Itay, gumawa siya ng apoy. May lighter siya kaya madaling nakagawa ng apoy mula sa mga tuyong damo at dahon ng kahoy. Mabisa raw ang apoy para mahadlangan ang sinumang gumagawa ng masama. Pagkatapos daw niyang makagawa ng apoy ay naupo siya at nanatili roon hanggang mag-umaga at nakauwi siya sa bahay. Sabi ni Itay, ang nangyari sa kanya ay ang tinatawag na “bulong”. Kadalasang nabibiktima ay mga taong pagod at gutom.

Ginaya ko ang ginawa ni Itay. Sa isip ko, ang nangyari kay Itay at sa akin ay magkapareho—bulong din ang nambiktima sa akin. Ang kaibahan lamang ay hindi ako gutom nang mangyari ang pangliligaw sa akin. Isa pa, marami akong kasama nang mangyari ang pangliligaw sa akin.

Mabuti at nasa bulsa ko ang posporo na ginamit namin sa paglilinis ng sementeryo. Kumuha ako ng mga tuyong sanga, dahon at damo sa paligid.

Nang makaipon ako nang malaking tumpok—kasingtaas ko—sinindihan ko iyon. Nagliwanag ang paligid. Naupo ako. (Itutuloy)

CEMETERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with