‘Sementeryo’ (Part 3)
NAGTAKA ako kung bakit nasa loob ako ng sementeryo na pinanggalingan namin. Natatandaan ko na lumabas na kami sa gate kanina. Paano ako nakabalik dito sa loob?
Madilim na sa paligid pero naaaninag ko pa ang mga nitso na puti ang pintura. Hinahanap ko kung ang mga nitso ay ang nilinis namin kanina. Hindi ang mga iyon. Tandang-tanda ko ang mga nitso na aming nilinis.
Hindi ako umalis sa kinatatayuan. Nakiramdam ako. Tahimik na tahimik. Palagay ko, ako na lamang ang naiwan sa sementeryo. Lahat ng mga taong naglinis ng puntod ay nagsiuwi na.
Pinanatili ko ang aking pagkalmado. Hindi ako dapat mag-panic.
Palagay ko, mayroong “nagligaw” sa akin. Nakursunadahan ako.
Nag-isip ako ng paraan kung paano makakabalik sa tamang landas pauwi at maiiwasan ang “nagligaw” sa akin sa sementeryo. (Itutuloy)
- Latest















