^

Punto Mo

Lalaki sa Norway, 24 hours tumakbo sa treadmill

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MULING pinatuna­yan ng 45-anyos na Norwegian ultramarathon runner na walang imposible sa determinasyon matapos niyang mahigitan ang sarili niyang Guinness World Record para sa titulong “greatest distance run on a treadmill in 24 hours (male).”

Ang atleta na si Bjørn Tore Kronen ­Taranger, ay nakapagtala ng bagong record matapos makatakbo ng kabuuang 270.16 kilometers sa loob lamang ng 24 na oras. Ang distansyang ito ay halos katumbas na ng layo mula Paris, France hanggang Belgium.

Ang record breaking event ay naganap sa isang hotel sa Drammen, Norway.

Hindi na bago si Bjørn sa ganitong hamon. Siya rin ang may hawak ng dating record na 264.52 kilometro na naitala niya noong 2018. Ayon sa kanya, sinubukan niyang muli ang record dahil mas bumuti pa ang kanyang stamina habang siya ay nagkakaedad.

Bukod sa personal na tagumpay, ang bawat pagtakbo ni Bjørn ay may mas malalim na layunin.

Sa record attempt na ito, naglikom siya ng pondo para sa Mental Helse, isang Norwegian charity na sumusuporta sa mga isyu na tungkol sa kalusugan ng mga kabataan.

“Gusto kong gawin ito para sa lahat ng mga bata na hindi makalakad, may sakit sa puso, kanser, at iba pa.

Si Bjørn, isang 10-time Norwegian ultramarathon champion, ay naghanda sa pamamagitan ng “carb-loading” at matinding “mental work.” Inamin niyang nakinig siya sa mga rock band tulad ng Foo Fighters at ng sarili niyang banda para lumakas ang kanyang motivation.

Matagumpay niyang natapos ang hamon habang pinalilibutan ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at tagasuporta.

NORWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with