^

Punto Mo

‘Kandila’ (Last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI ko mabilang kung ilang beses kaming nagsimba sa Quiapo at nagtirik ng kandila si Noime. Hindi napagod si Noime sa pagsisimba at pagtitirik ng kandila. Taimtim ang kanyang ?ananalangin. Sabi ni Noime sa akin, ako raw ang ipinagdarasal niya. Hiniling daw niya sa Diyos na mawala na ang pagkatakot ko sa kandila at sa usok nito.

Hanggang sa masumpungan ko na lamang na nawala na ang takot ko sa kandila at hindi na rin ako natatakot kapag nakaamoy ng usok nito.

Una kong nalaman na wala ang aking takot sa kandila nang sumama mismo ako kay Noime sa tirikan. Wala na akong naramdamang kaba, takot at anupaman sa kandila. Maski sa usok ay wala na rin akong nararamdamang takot.

“Noime, hindi na ako natatakot,” bulong ko habang sinisindihan niya ang mga kandila sa tirikan.

Napatitig sa akin si Noime.

“Oo nga! Hindi ka na nga natatakot, Rody. Purihin ang Diyos. Purihin ang mahal na Nazareno!”

“Ako naman ang magsisindi ng kandila, Noime.”

“Sige.”

Sinindihan ko ang maraming kandila. Hindi maipaliwanag na kasiyahan at luwag ng kalooban ang nadama ko. Parang nakalaya ako sa pagkakakulong. Hinawakan ko nang mahigpit ang palad ni Noime. Lalo ko siyang minahal. Siya ang dahilan kaya nawala ang takot ko sa kandila. Siya ang tanging babae sa aking buhay. Wala na akong mahihiling pa sa Diyos.

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with