‘Kandila’ (Part 10)
SUNOD na Biyernes ay sinamahan ko uli si Noime sa simbahan ng Quiapo para magsimba at magtirik ng kandila.
Kapag nagtitirik siya ng kandila ay naghihintay ako sa kabilang pintuan ng simbahan na nasa tapat ng Carriedo St. Nakatayo lamang ako sa may labasan. Maraming tao kapag Biyernes para magsimba at humalik sa Poong Nazareno.
Mula nang malaman ni Noime na malaki ang takot ko sa kandila at sa usok nito, napansin ko na matagal ang inilalagi niya sa tirikan ng mga kandila. Ganunman, hindi ko na pinansin dahil alam ko namang relihiyosa si Noime. Kahit noong hindi pa kami magkasintahan ay regular na siyang nagsisimba at nagtitirik ng kandila kung Biyernes. Wala raw palya iyon. Marami na raw sa hiniling niya ang natupad sa pamamanata sa Quiapo.
Maya-maya nakita kong paparating na si Noime mula sa pagtitirik ng kandila.
“Ang dami kong tinirik na kandila,” sabi ni Noime.
“Kaya pala matagal ka. Ba’t marami?”
“Para sa iyo yun, Rody. Hinihiling ko, mawala na ang phobia mo sa kandila at sa usok nito.”
(Itutuloy)
- Latest

















