^

Punto Mo

Kung sapat na ang sapat

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY isang mayamang mangangalakal na nagmamay-ari ng maraming barko at tindahan. Araw-araw, abala siya sa pagbibilang ng kita, pakikipagpulong, at pagpaplano kung paano pa lalaki ang kaniyang negosyo. Ngunit sa kabila ng yaman, hindi siya mapakali. Hindi siya nakakatulog nang mahimbing at palaging may kaba sa dibdib.

Isang umaga, habang naglalakad siya sa tabing-dagat, napansin niya ang isang mangingisdang nakahiga sa lilim ng puno, nakangiti at kumakanta habang pinagmamasdan ang alon.

“Bakit hindi ka nangingisda?” tanong ng mangangalakal. “Sayang ang oras, kung mas marami kang huli, mas marami kang kikitain!”

Ngumiti ang mangingisda. “At bakit ko gugustuhing mas marami pang huli?”

“Para magkaroon ka ng pera,” sagot ng mangangalakal, “makabili ka ng mas malaking bangka, mas maraming tauhan, at ‘pag lumago ang negosyo mo, puwede ka nang magpahinga!”

Natawa ang mangingisda. “Eh, ‘yun na nga ang ginagawa ko ngayon, Senyor, ako’y nagpapahinga.”

Napaisip ang mangangalakal. Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang tahimik at payapa ang paligid. Sa tabi ng mangingisda, nakipagkuwentuhan siya, sumama sa pagkain ng inihaw na isda at sariwang buko. Sa gabing iyon na nakauwi siya sa bahay, nakatulog siya nang mahimbing, unang beses sa mahabang panahon.

Mula noon, madalas na siyang bumabalik sa tabing-dagat. Unti-unti, natutunan niyang ang kayamanan ay hindi laging nasusukat sa dami ng ari-arian, kundi sa kakayahang maging payapa at kuntento sa kung anong mayroon ka.

SAPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with