^

Punto Mo

‘Kandila’ (Part 8)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

ILANG sandali na hindi ako nakapagsalita nang sabihin ng girlfriend kong si Noime na samahan siya sa Quiapo para magsimba at magtirik na rin ng kandila. Mula nang maging magkasintahan kami ni Noime, hindi ko ipinagtapat sa kanya na may phobia ako sa kandila at sa usok nito.

“Bakit natigilan ka Rody? Hindi mo ba ako masasamahan sa pagsisimba sa Quiapo?” tanong ni Noime.

“Ha a e sa­samahan kita, Noime.”

“Kasi nahalata ko na parang nag-isip ka nang sabihin kong magsisimba ako sa Quiapo at magtitirik ng kandila. May problema ka Rody?”

“Ha e wala—wala, Noime.”

“Kilala kita Rody. Huwag kang maglihim sa akin. Di ba nag-usap na tayo na kapag may problema ang bawat isa, magtapat para mapagtulungang resolbahin. Di ba nangako tayo sa isa’t isa na huwag maglili­him? Mayroon kang prob­lema ano?”

Tumango ako.

“Sabi ko na nga ba. Tama ang kutob ko.”

Ipinagtapat ko kay Noime na may phobia ako sa kandila at pati sa usok nito.

Naunawaan ako ni Noime.

“Ipagdarasal ko na mawala na ang takot mo sa kandila, Rody,’’ sabi ni Noime.  (Itutuloy)

KANDILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with