^

Punto Mo

‘Kandila’ (Part 7)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAGKALIPAS ng dalawang oras ay nagkaroon na ng kuryente kaya lumabas na ako ng banyo.

Hindi ako pinagtawanan o biniro ng ­aking mga kasamahang boarder. Marahil ay kinuwento na ng ka-boarder kong si Mar ang phobia ko sa kandila. Naunawaan nila ako.

Kaya mula noon, kapag nagba-brownout at nagtungo ako sa labas ng boarding house o kaya ay nagtago sa banyo, nauunawaan na nila ang dahilan.

Nang nasa third year college na ako, nakilala ko at naging nobya si Noime. Classmate ko siya. Maganda at mabait si Noime. Relihiyoso siya. Taga-Laguna.

Madalas ko siyang dalawin sa tinutuluyang boarding house sa Espana St. ­Magkasundung-magkasundo kami ni Noime. Sabi ko sa sarili, si Noime na ang babae para sa akin. Hindi na ako manliligaw sa iba pa.

Nang dumating ang birthday ni Noime, niregaluhan ko ng isang pumpon ng rosas.

“Samahan mo ako Rody. Punta tayo sa simbahan ng Quiapo.”

“Bakit?”

“First Friday ngayon. Magsisimba at magtitirik ako ng kandila.” (Itutuloy)

CANDLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with