^

Punto Mo

‘Kandila’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAGO ako sa banyo nang magsindi ng kandila ang mga kasama kong lalaki sa boarding house. Hindi ko kaya ang usok ng kandila kaya nagkulong ako sa banyo.

Hinanap ako ng mga kasama ko. Kinatok ang banyo at doon ako nakita.

“Anong ginagawa mo riyan, Rody? Kanina ka pa naming hinahanap. Akala namin, lumabas ka ng bahay?arito ka lang pala. Halika na.”

“Dito na lang muna ako Bro,’’ sabi ko.

“Bakit? Nasa salas kami at nagkukuwentuhan. Matatagalan pa siguro bago bumalik ang ilaw. May kandila naman. Halika na!”
Napilitan na akong sabihin ang dahilan para hindi na niya ako pilitin.

“May phobia ako sa kandila, Bro. Matindi ang takot ko lalo na kapag naamoy ko ang usok ng kandila.”

“Ganun ba? Kaya pala bigla kang nawala kanina.”

“Hindi ko talaga kaya Bro. Pasensiya na kayo.”

“Okey lang. Sasabihin ko sa mga kasama natin.”

“Salamat Bro.”

“E gaano ka katagal diyan sa banyo?”

“Hanggang bumalik ang ilaw.”

“E paano kung bukas pa magka-kuryente?”

“Kakayanin ko Bro. Basta huwag lang ako makaamoy ng usok ng kandila.” (Itutuloy)

KANDILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with