‘Kandila’ (Part 4)
Amoy usok ng kandila ang sumalubong sa akin nang lumabas ako sa banyo, Kahit tinakpan ko na ang aking ilong, matindi pa rin ang usok.
Hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang usok.
Naisip ko baka may naiwan na kandilang may sindi si Inay o si Itay. Pero ang alam ko, hindi nagsisindi ng kandila si Inay at si Itay, bagkus, ilawang de-gas na may mitsa ang ginagamit namin noong wala pang kuryente.
Saan kaya galing ang amoy kandila?
Hindi kaya sa labas ng bahay?
Pero malakas ang paniwala ko na nasa loob ng bahay ang amoy kandila.
Nang makapasok ako sa kuwarto agad akong nahiga at nagtalukbong ng kumot para hindi na maamoy ang usok ng kandila.
KINABUKASAN, nang magising ako, isang balita ang sinalubong sa akin ni Inay.
“Patay na ang lola at lolo mo, Rody.”
“Sabay namatay?”
“Oo kagabi—mga 1:00 a.m.”
Iyon ang oras na naamoy ko ang usok ng kandila.
(Itutuloy)
- Latest















