‘Kandila’ (Part 3)
MULA nang mangyari ang insidente sa prusisyon na nagkaroon ako ng dalawang paso ng kandila sa dibdib at tiyan, hindi na ako sumama pa prusisyon. Nagkaroon na ako ng kakaibang takot sa kandila. Nararamdaman ko ang matin?ing hapdi.
Ang mga paso sa aking dibdib at tiyan ay nag-iwan ng dalawang peklat na kasinglaki ng piso. Masama ang iniwang peklat ng kandila na kapag nakikita ko ay nagpapaalala sa karanasang hindi ko malimutan.
Bukod sa pagkatakot na nadarama kapag nakakakita ako ng kandila, ayaw na ayaw ko ring makaamoy ng usok ng kandila. Kapag nakakaamoy ako ng usok, nagbabalik sa aking alaala ang nangyari sa prusisyon.
Kapag nakaamoy ako ng usok, agad akong nagtatakip ng ilong. Hindi ko kaya ang usok na sa pakiramdam ko, mas mabagsik pa ang amoy kaysa sa usok ng sigarilyo.
Isa pang hindi ko malilimutan ay ang nangyari isang madaling araw na ako ay biglang nagising dahil madidyinggel.
Paglabas ko ng kuwarto, sumalubong sa akin ang amoy ng usok ng kandila. Napaatras ako. Nagtakip ako ng ilong.
Dahil ihing-ihi na ako, nagpatuloy ako sa pagpunta sa banyo.
Paglabas ko, lalong matindi ang amoy. Tumatagos kahit tinakpan ko ang aking ilong.
(Itutuloy)
- Latest















