^

Punto Mo

Herbosa, may sagot pero hindi panalo

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

ANG daming “ghost” ngayon sa gobyerno hindi lang multo ng korapsiyon, pati multo ng mga proyektong hindi mo alam kung saan napunta. At sa gitna ng usapan, biglang si Health Secretary Ted Herbosa ang bida o kontrabida, depende kung sino ang tatanungin mo.

Sabi niya, may 297 Super Health Centers daw na ipinagawa simula 2021 pero hanggang ngayon, hindi pa nagagamit o hindi pa tapos. Ang tanong ng bayan: “Eh, nasaan na ‘yung pondo?” Sagot ni Herbosa: “Inaayos na natin. Ipinapaimbestiga ko na sa Independent Commission for Infrastructure.”

Magandang pakinggan. Pero teka kailan pa? Ngayon lang? Eh ilang taon na pala ‘yung mga center na ‘yan! Ang maganda, aminado siya na may problema. Ang hindi maganda, parang ngayon lang siya nagising.

May plano raw siya tatlong opsiyon para buhayin ‘yung mga “ghost” health centers: (1) tulungan ng DOH ang mga LGU; (2) DOH takeover bilang Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS); at (3) public-private partnership.

Sige, puwedeng pumasa. Pero sa totoo lang, parang damage control na lang ‘yan parang sinusubukang ayusin ang gulo na dapat noon pa inayos.

Sa Marikina pa lang, may gulo na. Sabi ng LGU, nagastos na nila ang P21.5 milyon na binigay ng DOH para sa Phase 1 ng center, tapos na raw nila. Pero sabi ng DOH, “ghost” pa rin daw kasi di kumpleto. E sino ngayon ang may sablay?

Kung di nagkaintindihan ang DOH at LGU, problema ‘yan ng pamahalaan, hindi ng taong nagbabayad ng buwis. Tapos heto pa may mga reklamo raw laban kay Herbosa mula sa loob ng DOH mismo arbitrary reassignments, unliquidated funds, pang-aabuso sa puwesto at madalas na pag abroad.

Sabi niya, handa siyang harapin lahat ‘yan. Pero ang tanong: hanggang salita lang ba ‘yan, o may pruweba ng aksyon? Ang totoo, sa mata ng ordinaryong Pilipino, sawa na tayo sa mga “imbestigasyon na walang dulo.” Ang gusto natin, resibo. Gusto natin makita kung sino talaga ang may sala, at kung may nalustay, dapat may managot.

Habang wala pang malinaw na listahan, walang audit report, at puro salita lang, mananatiling may multo sa DOH, multo ng mga proyektong iniwan, at multo ng mga pangakong hanggang press release lang. Kung gusto talagang linisin ni Herbosa ang pangalan niya, simple lang: ilabas ang lahat. Ilabas ang listahan ng 297 centers.

Ipakita ang aktwal na larawan, ang status, ang kontratista, ang petsa, at ang halaga.

Kasi hangga’t walang transparency, baka isipin ng tao, hindi lang ghost health centers ang meron ghost accountability na rin sa itaas.

Disclaimer: Ang artikulong ito ay opinyon ng may-akda. Lahat ng impormasyon ay hango sa mga pampublikong ulat. Layunin nitong himukin ang katapatan, transparency, at pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.

GOBYERNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with