^

Punto Mo

‘Kandila’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TULUNGAN n’yo akooo! Ang sakittt!” sigaw ko habang pilit na inaalis ang kandilang may sindi na nagsiyut sa loob ng aking t-shirt. Dumikit ang sindi ng kandila sa aking dibdib at tiyan. Natuluan ng kandila kaya lalong humapdi. Sobrang sakit na halos maglulukso ako.

Nagtulung-tulong ang mga kapatid ko at pinsan para maalis ang kandila sa loob ng akong t-shirt.

Isang lalaki ang biglang humablot sa aking t-shirt. Napunit iyon. Mabilis niyang inalis ang kandila na namatay na ang sindi pero mainit pa rin.

“Dalhin natin sa ospital si Rod,’’ sabi ng kapatid kong babae. “May paso siya sa tiyan at dibdib.”

“Oo nga kailangang magamot iyon,” sabi ng lalaking pumunit sa damit ko.

“Halikayo dalhin natin.”

Pinagtulungan akong isinakay sa traysikel at dinala sa ospital.

Habang dinadala sa ospital, damang-dama ko ang hapdi ng paso na nilikha ng kandila.

Dalawang sugat na kasinglaki ng piso ang nalikha ng kandila. Nang lagyan ng gamot, umiyak ako dahil sobrang sakit.

Matapos gamutin at resetahan, pinauwi na kami.

Habang pauwi, nakaramdam ako ng takot sa kandila. Mula noon nagkaroon na ako ng keriphobia.

(Itutuloy)

KANDILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with