‘Kandila’ (Part 1)
MAYROON akong keriphobia. Ito yung pagkatakot sa kandila. Nagsimula ang pagkatakot na nararamdaman ko sa kandila noong nasa Grade 4 ako sa elementarya.
Sumama ako sa prusisyon. Kapistahan ng aming patron noon Abril. Kasama ko sa prusisyon ang aking dalawang kapatid na babae at isang pinsang lalaki.
Lahat kami ay may hawak na kandila. Mataba ang hawak naming kandila.
Nang ilalabas na ang patron sa simbahan, pinasindihan na ang mga kandila.
Palibhasa ay excited ako, agad kong dinuldol ang mitsa ng aking kandila sa kandila ng aking kapatid na may sindi. Nakisindi rin ang iba pa.
Nang magsimula nang lumakad ang prusisyon, bigla akong natuluan ng kandila sa kamay. Masakit.
Naglulundag ako sa sakit. Hanggang sa ang hawak kong kandila ay nabitawan ko at nagsiyut sa suot kong t-shirt.
Sumigaw ako. Naglulundag dahil sa sakit na dulot ng may sinding kandila.
Nagkagulo na ang mga tao.
(Itutuloy)
- Latest















