Pag-ahon: Mga kuwento ng tagumpay
October 15, 2025 | 12:00am
EDGAR “INJAP” SIA II: Founder ng Mang Inasal
- Simula: Anak ng maliit na negosyante sa Iloilo.
- Pagsisikap: Nagtayo ng unang branch ng Mang Inasasa isang maliit na space sa mall, walang kasiguruhan kung kikita.
- Tagumpay: Dahisa lakas ng brand, binili ito ng Jollibee Foods Corp. ng higit P3 bilyon.
- Aral: Lakas ng loob, originality at huwag matakot gumawa ng kakaibang konsepto.
SOCORRO RAMOS: “Nanay Coring” ng NationaBook Store
- Simula: Tumulong sa pamilya sa murang edad, nagbenta ng schoosupplies at libro.
- Pagsubok: Nasunog ang tindahan noong World War II, pero muli niyang itinayo gamit ang sipag at determinasyon.
- Tagumpay: Itinatag ang NationaBook Store, na ngayon ay pinakamalaking bookstore chain sa bansa.
- Aral: Ang pagkasira ay hindi katapusan sa halip puwede itong maging simula ulit.
CECILIO K. PEDRO – Founder ng Lamoiyan Corporation (Hapee Toothpaste)
- Simula: May maliit na pabrika ng toothpaste pero natalo nang malalaking foreign brands at napilitang magsara.
- Pagsisikap: Imbes na sumuko, nagbukas muli gamit ang sariling formula at nagbenta ng Hapee Toothpaste, mas mura pero kalidad.
- Tagumpay: Naging kauna-unahang Filipino-owned toothpaste brand na nakipagsabayan sa Colgate.
- Aral: Kung bumagsak, tumayo ulit, minsan kailangan lang ng bagong diskarte.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended




















