‘Bunot’ (Part 6)
PINAG-ARALAN ko ang negosyo mula sa bunot ng niyog na hindi lamang lubid ang maaaring gawin. Puwedeng gumawa ng bag, sinturon, at iba pang accessories. Humiram ako ng puhunan sa banko at isinagawa ko ang negosyo.
Kinuha kong mga tauhan ang aking mga kabarangay. Sa simula ay ilan lamang ang aking mga tauhan subalit dahil malaki ang demand, nagdagdag ako ng mga tauhan.
Nagkaroon ako ng mga customer mula sa ibang bansa. Naging popular ang mga produktong bag sapagkat ginawa kong makulay at maganda ang desenyo. Kapag Pasko ay lalong mataas ang demand sapagkat ang mga basket ay pinaglalagyan ng groceries at iba pang pangregalo.
Hindi ako makapaniwala na ang simpleng bunot ay maghahatid sa akin ng biyaya.
Nang kumita nang husto ang negosyo, bumili ako ng mga lupain at pinataniman ko ng niyog. Kailangan ko nang maraming niyog. (Itutuloy)
- Latest




















