^

Punto Mo

EDITORYAL - Sinalaula rin ang farm-to-market roads

Pang-masa
EDITORYAL - Sinalaula rin ang farm-to-market roads

Overpriced nang mahigit P10 bilyon ang ­farm-to-market roads (FMRs) ayon sa pag-iimbestiga ng Senate Committee na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian. Ayon kay Gatchalian, ang overpriced na FMRs ay nakapaloob sa 2023 at 2024 national budget. Pinakamalaki umano ang nakalaang pondo sa FMRs sa Bicol Region.

Sinabi ni Gatchalian na ang mga proyekto ay may inflated cost estimates, redundant alignments, at mga daan na hindi naman ginagamit ng mga magsasaka. Natuklasan ni Gatchalian na ang gastos sa bawat kilometro ay doble at meron pang triple kumpara sa karaniwang estimates ng DPWH. Ayon sa senador karamihan sa FMRs ay walang sapat na feasibility study at hindi dumaan sa tamang konsultasyon sa mga lokal na magsasaka. Ang FMR projects, ayon kay Gatchalian ay pinondohan sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nakadagdag sa mga nakasa-shock na natuklasan ni Gatchalian: ang nakakuha ng proyektong FMRs sa iba’t ibang rehiyon ay ang mga kumpanyang konektado sa mag-asawang Discaya. Ang mga Discaya ay iniimbestigahan ngayon ng Senado dahil sa maanomalyang flood control projects na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso.

Nabanggit din sa pag-iimbestiga ng komite ni Gatchalian ang kompanya ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at ang kapatid nitong contractor. Pinakamalaki raw na nakuhang proyekto ni Co ay sa Bicol, Leyte at iba pang lugar sa Eastern Visayas.

Ang pagpapagawa ng FMRs ay pinangako ni President Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Sa nakaraang SONA noong Hulyo, sinabi ni Marcos na bago matapos ang kanyang termino sa 2028, makapagpapagawa ang pamahalaan ng 131,000 kilometrong farm-to-market roads. Ayon sa Presidente, kapag naabot ang target na FMRs, hindi na mahihirapan ang mga magsasaka na iluwas sa mga palengke sa bayan ang kanilang mga produkto. Magiging maginhawa na ang mga magsasaka dahil sa farm-to-market roads.

Dahil sa nadiskubre ng Senado, malamang na hindi magkaroon ng katuparan ang pangako ni PBBM ukol sa FMRs. Ang pangarap ay mauuwi sa masamang bangungot. Bukod sa natuklasang sobrang mahal na FMRs, kakaunti pa lamang ang nagagawa. Nitong Hulyo 2025, 70,000 kilometro pa lamang ng FMRs ang nagagawa. Kawawang mga magsasaka na hindi rin pala ligtas sa mga matatakaw na buwaya. Kailan matatapos ang kalbaryo ng mga magsasaka na pati FMRs ay pinagkaperahan?

SENATE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with