^

Punto Mo

Mga aral na hindi itinuturo sa paaralan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Ang ginto ay dumadaan muna sa apoy bago maging mamahalin. Ganoon din ang tao, kailangang maranasan muna ang hirap bago tumibay at magningning.

2. Si Walt Disney ay tinanggal sa trabaho dahil daw “kulang siya sa imahinasyon.” Pero siya ang nakalikha ng pinakamalaking daigdig ng pantasya (Disneyland). Kaya huwag kang padadala sa opinyon ng iba.

3. Kapag may taong hindi naniniwala sa kakayahan mo, huwag mong pag-aksayahan ng panahon para may patunayan ka sa kanya. Gamitin mo na lang ang oras na ’yon para may patunayan ka sa sarili mo.

4. Ang tunay na katalinuhan ay hindi nasusukat sa dami ng alam, kundi sa kakayahang manatiling kalmado sa gitna ng kaguluhan.

5. Minsan, hindi mo agad makikita ang resulta ng iyong sipag. Pero huwag kang titigil. Kahit ang araw, kailangan munang sumikat sa likod ng ulap bago ito makita ng lahat.

6. Ang “pagpapahinga” ay hindi katamaran. Isa itong paraan ng pagpapalakas para sa susunod na laban.

7. Huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa iba. Ang bulaklak ay hindi nakikipagkumpitensya sa katabing bulaklak, ito’y namumukadkad lang sa sarili niyang oras.

8. Hindi lahat ng tahimik ay mahina. Kung tutuusin, sila pa ang pinakamatatag, kasi nalalabanan nila ang bagyo nang walang ingay.

9. Ang pera ay madaling kitain, pero ang respeto at tiwala ay kailangang paghirapan. At kapag nawala iyon, mahirap na itong ibalik gaano ka man kayaman.

10. Huwag mainip kapag hindi mo pa nakikita ang bunga ng iyong pinaghirapan, alalahanin mo: Kahit ang punla, kailangan munang mabulok sa ilalim ng lupa bago tumubo. Kaya huwag kang sumuko, baka bukas, mamulaklak na ang iyong itinanim.

PAARALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with