^

Punto Mo

‘Bunot’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Nagkatotoo ang mga sinabi ng aking mabait na adviser na magiging matagumpay akong negosyante.

Pagkatapos kong magtapos ng business management, dumalo ako sa maraming seminar at trainings na may kinalaman sa coconut industry particular ang may kaugnayan sa bunot (coconut husk). Nang mga panahong iyon, unti-unti nang nadidiskubre na marami pa palang prukto ang nakukuha sa niyog. Bukod sa ginagawang lumber ang katawan ng niyog, marami palang gamit ang bunot.

Sa isang seminar na nadaluhan ko sa India, natutuhan ko na ang bunot pala ay source nang matibay na lubid na ginagamit sa maraming malalaking kompanya.

Sa isang factory, kung saan nagkaroon kami ng tour, nakita naming kung paanong ang bunot ng niyog ay ginagawang matibay na lubid. Dumadaan sa maraming proseso ang paggawa ng lubid.

Hindi ako makapaniwala na ang mga bunot na ginagamit lamang na panggatong sa pagluluto ng kopra ay maaaring gawing lubid. Malaking pera ang kinikita sa mga bunot na ginagawang lubid at iba pang produkto.

Nang umuwi ako mula sa isang buwan na seminar sa India, ginamit ko ang pinag-aralan. Nagtayo ako ng gawaan ng lubid mula sa bunot ng niyog.

(Itutuloy)

BUNOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with