^

Punto Mo

EDITORYAL - Pati mga tulay pinagkakitaan?

Pang-masa
EDITORYAL - Pati mga tulay pinagkakitaan?

PAANO kung ang mga tulay na dinaraanan ang maghahatid pala sa hukay? Paano kung habang dumaraan sa tulay ay bigla itong bumagsak. Nakakakilabot kung ganito ang hahantungan ng mamamayan na ninakawan na ay mamamatay pa dahil substandard na tulay.

Dalawang beses nang may nagigibang tulay sa bansa at malaking katanungan kung ligtas pa bang daanan ang iba pang mga tulay. Lalo pang naghatid ng pangamba nang magkasunud-sunod ang mga nagaganap na lindol.

Noong Lunes, nagiba ang Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan. Tatlong truck na may kargang palay ang dumaraan sa tulay nang bigla itong mahati sa gitna. Isa sa mga truck ang nakabitin sa tulay. Walang namatay pero pito ang nasugatan kabilang ang mga drayber at pahinante.

Ang pagbagsak ng Piggatan Bridge ay labis na nakaapekto sa pagbibiyahe ng mga tao at pagdedeliber ng suplay sa maraming bayan sa Cagayan. Sinisi naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga drayber ng truck sapagkat masyado raw mabigat ang kargang palay. Dapat mino-monitor ng DPWH ang mga dumadaang truck. Di ba tinitimbang ang mga truck? Nagkaroon ng pagkukulang o talagang substandard ang tulay?

Noong Pebrero 27, 2025, bumagsak din ang Cabagan-Sta Maria Bridge sa Isabela. Nahati rin sa gitna makaraang dumaan ang isang truck na may kargang bato na may bigat na 102 tonelada. Bagong bukas ang tulay na ginastusan ng P1.2 bilyon. Kasasailalim lamang sa retrofitting sa loob ng 10 taon. Walo ang nasugatan sa insidente.

Binisita pa ni President Ferdinand Marcos Jr. ang tulay at sinabing “may gugulong na ulo”. Sabi ni Marcos, hindi babagsak ang istraktura kung kumpleto at nasa magandang kondisyon ang materyales. Bumabagsak at nasisira ang mga istraktura kapag tinipid.

Sabi naman ng DPWH-Region 2, ang tulay daw ay earthquake proof. Kung earthquake proof, bakit bumagsak. Napakalambot ng bakal na ginamit. Ampaw ang mga haligi ng tulay. Halatang tinipid.

Noong Setyembre 23, isiniwalat ni dating district engineer Brice Hernandez sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee na walang matinong proyekto sa Bulacan at lahat ay substandard. Kasama raw dito ang school, kalsada, gusali at tulay.  Ayon kay Hernandez, hindi raw talaga nasusunod kung ano ang eksaktong nasa plano.

Substandard ang mga ginawang proyekto ng DPWH batay sa salaysay ng dating engineer—at posibleng pati ang mga tulay. Delikado ang taumbayan.

HUKAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with