Nartatez, galit sa loose firearms!
PINAIGTING ni Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang kampanya laban sa loose firearms, isang hakbang tungo sa pagbuwag ng private armed groups (PAGs) sa Pinas.
Sa ulat na nakarating kay Nartatez, umaabot sa 21,597 na samu’t-saring baril ang nakumpiska o isinuko sa PNP sa buong Pinas mula Enero 1 hanggang Oktubre 2 nitong taon. May 9,044 katao naman ang inaresto sa kasong illegal possession of firearms at iba pang kasong sangkot ang baril.
Samantalang 7,759 na baril naman ang nai-turnover sa PNP for safekeeping. Itong kampanya laban sa loose firearms ay tinututukan ni Nartatez kaya’t nagtatag s’ya ng Special Task Force on the Disbandment of Private Armed Groups (STF-DPAGs) matapos buwagin nito ang Area Police Commands (APCs) upang iwasan ang duplication of functions sa PNP.
“This organizational reform is a direct response to the President’s call for a leaner, smarter, and more focused police force,” ani Nartatez. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
“We are shifting from structure-heavy to mission-focused policing. Our priority is to dismantle private armed groups and take away the firearms that fuel violence and lawlessness in the regions,” ang giit pa ni Nartatez.
Ang STF-DPAGs ay ipinasailalim kay PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Edgar Allan Okubo na mangangasiwa sa trabaho ng mga sub-task force commanders sa iba’t-ibang bahagi ng Pinas.
Ang mga bataan ni Okubo ang naatasang kilalanin ang PAGs, i-disarm sila sa close coordination ng regional at provincial offices. At ang lahat ng nakumpiskang baril o armas ay ideposito sa PNP, na kinikilala ang proseso na isinusulong ng Arms Trade Treaty, kung saan ang Pinas ay miyembro. Eh di wow!
Ang ATT mga kosa ay isang international treaty, na ang primary goal ay ang pagtatag ng pinakamataas na standards upang i-regulate o i-improve ang regulasyon ng international trade of conventional arms. Ang Pinas ay isa sa kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na naging State Party ng ATT.
“This initiative underscores the Philippines’ commitment to responsible arms trade governance, transparency, and humanitarian disarmament,” ayon kay Ambassador Markus Lacanilao, ng Office of the Special Envoy for Transnational Crime sa ginanap na two-day seminar sa Novotel sa Araneta Center, Quezon City.
Sa totoo lang, kinikilala ng ATT ang sistema ng gobyerno ng Pinas kung paano i-regulate ang baril ng mga Pinoy at sa katunayan maraming bansa, sa mga conference sa abroad, ang nagtatanong kung paano ang pag-implement nito at gagayahin nila. Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ayon kay Lacanilao, ang ATT ay makipag-coordinate sa PNP, AFP at iba pang ahensiya ng gobyerno upang sama-sama nilang pigilan ang pagyabong ng mga armas, mula handguns hanggang tangke, na mapasakamay ng mga taong may masamang balak sa kapwa o sa pamahalaan.
Samantala, inihayag din ni Lacanilao na ang Department of Foreign Affairs at mga non-governmentatl organizations ay nagtutulak ng pagbuo ng central database upang isulong ang magsupil ng illegal firearms.
“Mayroong kakulangan sa information, sa database. Minsan, nakakakuha tayo ng reports sa Mindanao, hindi umaabot dito sa national,” ani Lacanilao. Upang ma-address ito, iminungkahi ni Lacanilao na pangunahan ng AFP ang pagbuo ng database upang magkaroon ng centralized logging at pag-analisa ng armas na nai-surrender o narekober. Ayosss! Abangan!
- Latest




















