^

Punto Mo

Hygiene mistakes na nagdudulot ng body odor

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Hindi nililinis ang phone screen. Ang cellphone ay isa sa pinaka-maruming bagay na hinahawakan araw-araw. Kapag inilalapit ito sa mukha, napupunta rin ang bacteria sa balat na maaaring magdulot ng amoy at pimples.

2. Hindi sinisepilyo ang dila. Ang dila ay tahanan ng libu-libong bacteria. Kapag hindi nililinis, nagdudulot ito ng bad breath kahit regular kang nagsisipilyo ng ngipin.

3. Nagsusuot ng mamasa-masang damit. Ang basang damit, lalo na sa tag-ulan, ay nagdudulot ng amoy kulob. Upang maiwasan ito, banlawan ang labada gamit ang fabric conditioner na hinaluan ng sukang puti—pantanggal amoy at disinfectant pa.

4. Nakakalimutang kuskusin ang likod ng taynga. Ang bahagi sa likod ng tenga ay madalas nalalampasan sa paliligo, ngunit dito rin nag-iipon ang langis at dumi na nagdudulot ng amoy.

5. Inuulit ang medyas at underwear. Ito ay major hygiene no-no. Dapat araw-araw pinapalitan upang maiwasan ang bacteria at fungal growth.

6. Wisik-wisik lang ng pabango sa halip na maligo. Ang pabango ay hindi kapalit ng paligo. Pinapatong lang nito ang amoy, pero hindi tinatanggal ang pinagmulan.

7.  Kinakalimutang linisin ang pusod. Ang pusod ay maliit ngunit madaling pamahayan ng dumi at pawis. Linisin ito nang maingat gamit ang cotton buds at sabon.

8.  Sinasabunan ang katawan pero hindi nililinis ang paa. Ang paa ay madalas pinagpapawisan at nakakulong sa sapatos buong araw. Kung hindi ito lilinisin, siguradong maaamoy.

9. Hindi nagpapalit ng bedsheet. Ang maruming bedsheet ay nag-iipon ng pawis, balat, at langis. Dapat itong palitan kahit isang beses kada linggo.

10. Pare-parehong pantalon sa loob ng isang linggo. Kahit araw-araw kang nagpapalit ng damit pang-itaas, kung paulit-ulit ang pantalon, puwedeng mag-ipon ng amoy at bacteria lalo na sa singit.

BODY ODOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with