^

Punto Mo

‘Bunot’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAHIL ­kaming mga ­estudyante ang inaatasang maglinis ng classroom pagkatapos ng klase, nagkaroon ako ng ideya na puwede palang pagkakitaan ang mga bunot ng niyog. Napansin kong sira na ang mga ginagamit naming bunot. Kinausap ko ang aming adviser at sinabi ko na marami kaming bunot sa bahay. Kung papayag siya, dadalhin ko ang mga bunot para gamitin sa school.

Sabi ng adviser, maganda ang naisip ko pero sasabihin daw muna niya sa principal at para malaman din kung magkano ang ibabayad bawat bunot na dadalhin ko sa school.

Makalipas ang isang linggo, sinabi ng aking adviser na payag ang principal na dalhin ko ang mga bunot at babayaran bawat piraso. Tuwang-tuwa ako.

Kinabukasan, dinala ko ang mga bunot—20 piraso. Binayaran ako. Kahit maliit lamang ang bayad, tuwang-tuwa ako. Sabi ng principal, ako na raw ang laging magsu-suplay ng bunot sa school.

Buong apat na taon na inilagi ko sa school ay ako ang nagsuplay ng bunot. Ang binayad sa akin sa mga bunot ay inipon ko.

Marami rin akong naipon. (Itutuloy)

TEETH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with