‘Bunot’ (Part 1)
BAGO pa naimbento ang electric floor polisher, una nang ginamit na panglinis at pampakintab ng sahig ang bunot ng niyog. Epektibong pampakintab ang bunot matapos pahiran ng wax ang sahig na tabla o kawayan. Bukod dun, mahusay ding ehersisyo ang pagbubunot.
May malaking bahagi sa buhay ko ang bunot. Hindi ko malilimutan ang bagay na ito naging daan para ako magsikap at naging matagumpay sa buhay.
Ako ay anak ng isang magsasaka. Dalawa kaming magkapatid—parehong lalaki. Hindi namin sarili ang lupang sinasaka at maski ang kinatitirikan ng aming bahay. Pag-aari iyon ng mabait na mag-asawang naninirahan sa Maynila.
Bukod sa pagtatanim ng palay, nagkokopra rin si Itay. Kami ng aking kapatid ang katulong ni Itay sa pagsasaka at pagkokopra. Sanay na sanay kami sa pagtatanim at pag-aani ng palay. Ganundin naman sa pagkokopra.
Dahil maraming niyog, naisipan kong gumawa ng mga bunot. Naisip ko ang ideya na paggawa ng bunot habang ako at mga kaklase ay naglilinis sa classroom. Puwede ko palang pagkakitaan ang pagpapakintab ng sahig gamit ang bunot. (Itutuloy)
- Latest

















