^

Punto Mo

Tanong ng kasambahay sa separation pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kailangan po bang bayaran ng separation pay ang mga kasambahay kapag nagpasya ang amo na tanggalin sila? Maninirahan na sa abroad ang mga amo ko kaya iniisip ko kung dapat ba akong makatanggap ng separation pay. Sampung taon akong nagtrabaho sa kanila. —Noime

Dear Noime,

Maraming benepisyo para sa mga kasambahay ang nakasaad sa Republic Act 10361, katulad ng garantisadong 13th month pay at pagkakaroon ng SSS, PhilHealth at Pag-IBIG coverage. Pero kung babasahin ang kabuuan ng nasabing batas ay walang nakasaad tungkol sa karapatan ng mga kasambahay na makatanggap ng separation pay.

Ang tinutukoy ko na separation pay ay ‘yung katulad ng separation pay na binabanggit sa Labor Code, kung saan nakasaad na katumbas ito ng kalahati hanggang isang buwan na suweldo para sa bawat isang taong serbisyo ng empleyado. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay wala ng matatanggap ang mga kasambahay kapag sila ay biglang natanggal sa trabaho.

Nakasaad sa RA 10361 na kailangang bayaran ng amo ang kanyang kasambahay ng dagdag na bayad na katumbas ng 15 araw na kita kung ang una ay sinisante ng walang dahilan at ng mas maaga kaysa sa nakasaad sa kontratang kanyang pinirmahan, kung mayroon man.

Kung mayroon kayong kontrata ng iyong amo ay kailangan mo rin basahin ang mga nakasaad doon dahil baka may naging kasunduan pala kayo tungkol sa separation pay. Malayang magkaroon ng kasunduan ang amo at ang kasambahay basta hindi magkukulang ang mga karapatan at benepisyong ipinagkakaloob ng batas sa mga kasambahay.

SEPARATION PAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with