^

Punto Mo

‘Sandok’ ( Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MABILIS na nakatawag ng pulis si Thelma na ang presinto ay nasa kanto lamang.

Naaresto si Willy. Sinabi ko na pinagtangkaan niya akong gahasain. Nadampot ko ang malaking sandok at inihampas sa mukha niya at ulo. Duguan ang mukha ni Willy.

Nangatwiran si Willy na magkasintahan kami at nagkaroon lang ng di-pagkakaunawaan.

“Huwag kang maniwala Mamang Pulis, hindi kami magkasintahan. Kustomer siya ng karin?erya at pinagtangkaan niya akong halayin.”

“Oo nga po Mamang Pulis, hindi sila magkasintahan ni Ate Marie!”

Pinosasan ng pulis si Willy at isinama sa pre?into. Pinayuhan ako ng pulis na magsampa ng reklamo kay Willy.

Nang madala na ng pulis si Willy ay saka ako nakahinga nang maluwag.

“Tama ka Thelma, masamang tao ang Willy na yun. Pagsasamantalahan ako.”

“Di ba sabi ko sa’yo Ate Marie, hindi maganda ang kutob ko sa walanghiya.”

“Mabuti na lang at nahampas ko siya ng sandok. Nailigtas ako ng sandok!”

Kinabukasan, nalaman namin sa pulis na matagal na palang wanted ng batas si Willy. Sangkot ito sa pagnanakaw, panggagahasa, drug pushing at gunrunning.

Hindi na siya makalalaya pa.

Kinuha ko sa kinasasabitan ang sandok na ginamit kong sandata laban kay Willy. Hinimas-himas ko iyon at tahimik na nagpasalamat.

SANDOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with