^

Punto Mo

AI-generated na artista, inilunsad sa Hollywood!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INILUNSAD kamakailan ng isang AI talent studio ang ang isang AI-generated actress na pinangalanang Tilly Norwood na ngayon ay nagdudulot ng kontrobersiya sa Hollywood.

Inihayag ni Emily Van der Velden, founder ng AI talent studio na Xicoia na may potensiyal ang kanilang likhang si Norwood na maging isang superstar, kasing sikat nina Scarlett Johansson o Natalie Portman.

Ang Xicoia ay dalubhasa sa AI acting talent. Ginamit nila ang social media upang ipakita ang acting versatility ni Tilly sa iba’t ibang scenario, at sinasabing kinokonsidera na ng mga film studios ang pagkuha sa naturang AI talent.

Gayunman, mariing tinututulan ng actors’ guild na SAG-AFTRA ang paggamit ng AI-generated actors.

Ayon sa kanila, si Tilly Norwood ay “hindi isang actor, ito ay isang character na generated ng isang computer program”. Nagbabala ang guild na pabababain nito ang kalidad ng human artistry.

Naniniwala si Van der Velden na ang AI ay isang bagong tool na nagbubukas ng mga posibilidad, at idiniin na “ang mga audience ay pinapahalagahan ang kuwento at talento, hindi kung ang artista ay may pulso.”

Ang pag-unlad na ito ay nagpapahiwatig ng papalapit na panahon ng synthetic actors, kasunod ng mga AI-powered news anchors at digital models.

SAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with