^

Punto Mo

‘Sandok’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 13)

INIIWAS ko ang aking mukha para hindi mahalikan ni Willy. Talagang agresibo si Willy.

“Mahal mo ako di ba?”

“Pero Willy.”

“Para halik lang. Sige na Marie.”

“Baka may makakita,’’ sabi ko.

“Wala na namang tao. Di ba sarado na nga kayo. Wala na ang mga tauhan mo.”

“Nasa loob ang pinsan ko—baka biglang lumabas.”

“Saglit lang naman—halik nga lang.”

“Willy…”

Hinalikan ako sa leeg ni Willy. Nakiliti ako. Pero sa totoo lang, may kakaibang sensasyon ang halik niya. Palibhasa’y noon lamang ako nahalikan ng lalaki, mayroong nagbangon sa aking pagkababae. Naantig ako.

“Willy…”

Pero hindi ko napigilan si Willy at lalo pang gumapang ang kanyang nag-aapoy na labi sa ­aking leeg. Nakikiliti ako na hindi ko maintindihan. Patuloy ang pagbangon sa kaibuturan ng aking pagkababae. Gusto ko ang ginagawa niya.

Ang akala ko ay ang aking maninipis na labi ang pupuntiryahing sakmalin ni Willy pero nagkamali ako.

Habang gumagapang ang labi niya sa aking leeg at batok, naging busy ang kanang kamay niya sa pagdukot sa aking boobs.

Pumailalim ang palad niya sa aking “papaya”.

Noon lamang nahipo ang “papaya”. Lalong may nakanti sa aking pagkababae.

“Willy…Willy!”

(Itutuloy)

WILLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with