‘Sandok’ (Part 11)
“MAHAL kita, Marie,’’ sabi ni Willy na labis kong ikinagulat. Tumingin ako sa paligid at baka may customer na nakakarinig. Mabuti at wala pang customer.
“Napakabilis mo naman, Willy. Kailan ka lang napunta rito sa karinderya ko e nagtatapat ka na agad.”
“Ang paghahayag ng pag-ibig ay wala sa ikli o haba ng panahon?asa lalaking umiibig nang tapat iyon at ako iyon. Mahal kita, Marie. Wala namang masama dahil binata ako at dalaga ka.”
“Paano ako nakasigurong binata ka?”
“Ano bang katibayan ang gusto mo, Marie?”
Hindi ako nakasagot. Nalito ako. Hindi ako makapagpasya.
“Narito ako para ipahayag ang ?king saloobin. Hindi pa ba sapat iyon? Kung mabubuksan mo lang ang dibdib ko, makikita mo ang aking iniaalay na pag-ibig.”
“Bigyan mo ako ng panahon para mag-isip.”
“Hanggang kailan?”
“Sa isang linggo. Pumunta ka rito.”
Tuwang-tuwa si Willy sa narinig.
(Itutuloy)
- Latest




















