^

Punto Mo

Pormal na pagdinig sa violation ng ­empleyado, required ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Sinabihan ako ng HR ng kompanya namin na hindi na raw kailangan ng hearing tungkol sa violation ng company policy na ginawa ko raw. Tama ba ito? — Owen

Dear Owen,

Tama naman na hindi palaging kailangan ng formal hearing o conference. Ngunit ayon sa Korte Suprema sa kasong Perez v. Philippine Telegraph and Telephone Co. (G.R. No. 152048, 7 April 2009), may ilang mahahalagang eksepsyon kung saan nagiging mandatory ang formal hearing.

Ayon sa Korte Suprema sa nasabing kaso, sapat na ang pagbibigay sa empleyado ng “ample opportunity to be heard” upang ipaliwanag ang kanyang panig, at hindi kinakailangang lagi itong gawin sa pamamagitan ng isang formal hearing. Sapat na kung mabigyan ng pagkakataon ang empleyado na magsumite ng kanyang written explanation.

Gayunman, base rin sa nabanggit na kaso, may mga pagkakataon na obligado ang employer na magdaos ng formal hearing:

Una, kapag ang empleyado mismo ang humiling ng hearing sa pamamagitan ng written request.

Ikalawa, kapag may substantial evidentiary disputes, o malaki ang agwat ng bersyon ng pangyayari ng bawat partido, at kailangang marinig ang testimonya o ebidensiya ng bawat isa.

Ikatlo, kapag ang company rules o practice ang mismong nagsasabing kailangang may hearing. Kapag ito ay matagal nang ginagawa, nagiging bahagi na ng karapatan ng empleyado ang pagdaraos ng isang pormal na pagdinig.

Ikaapat, kapag may iba pang mga katulad na pagkakataon kung saan karapat-dapat lang na magpatawag ng hearing upang matiyak ang due process.

Kung wala ang alinman sa mga nabanggit, sapat na ang pagsunod sa tinatawag na twin-notice rule: una, ang notice to explain; at ikalawa, ang notice of decision matapos mapag-aralan ang paliwanag ng empleyado.

Kaya kung gusto mong masigurado na mapapakinggan ang iyong panig sa isang formal hearing, mainam na ikaw ay magsumite ng written request para rito. Kung wala kasi ang mga sitwasyong nabanggit, sapat na ang dalawang notice at ang pagbibigay sa iyo ng pagkakataon na magsumite ng paliwanag para masabing nasunod ang due process.

OWEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with