Flocerfida (157)
“MAHABANG kuwento. Sayang at hindi na narinig ni Tatay Victor,’’ sabi ni Kikoy.
“A e halika po muna sa loob. May malamig pong buko juice sa ref.”
“Salamat. Baka makaabala ako sa’yo. Hindi ko alam na yumao na si Tatay Victor.”
“Halika po sa loob.”
Sumunod si Kikoy sa apo ni Tatay Victor na dalaga na. Nang huli siyang magtungo rito ay dalagita lang ito.
Pumasok sila sa loob.
“Maupo ka po at kukunin ko ang malamig na juice.”
Nagtungo ang dalaga sa kitchen. Iginala ni Kikoy ang tingin sa kabuuan ng bahay.
Maayos ang pagkakagawa.
Lumapit ang dalaga dala ang pitsel ng buko juice. Nagsalin sa baso.
“Uminom ka po muna,’’ sabi ng dalaga.
“Salamat.”
Uminom si Kikoy juice.
Malamig. Masarap.
“Siguro ay hindi mo na ako natatandaan. Nagtungo na ako rito noon—dalagita ka pa lang.”
“Hindi ko po matandaan.”
“Naliligo ka pa sa irigasyon nun.”
“Hindi ko po maalala.”
“Ako si Kikoy.”
“A opo nabanggit ka ni Lolo.”
“E ano ba ang name mo?” tanong ni Kikoy.
“Dang po.”
(Itutuloy)
- Latest
















