‘Sandok’
(Part 6)
KINABUKASAN, kumain na naman sa karinderya ang lalaki. Habang kumakain ay pasulyap-sulyap ito sa akin. Ibinabaling ko naman ang tingin sa kaha at kunwari ay nagbibilang ako ng pera.
Hanggang sa lumapit ang lalaki para magbayad ng kinain.
“Masarap ang ulam ninyong tinda kaya nawiwili ako rito. Bukod sa masarap ay mura pa,” sabi ng lalaki.
“Salamat.”
“Baka bukas ay narito na naman ako. Ako nga pala si Willy.”
“Salamat at nawiwili ka rito sa aming karinderya.”
“Dinadalaw ko kasi ang aming lupa na iniwan ng aming mga magulang. Walang ibang mag-aasikaso kaya ako nag-aasikaso. Pinatatabasan ko dahil maraming damo. Siguro aabutin pa ng isang buwan bago malinis ang lupa.”
“E di mabuti at kikita ang karinderya ko sa iyo.”
“Oo nga. Gusto ko nga e matagal matapos ang pagpapatabas ko para lagi akong narito.”
Ngumiti lamang ako. Pero sa totoo lang, kinikilig ako.
“Sige magpapaalam na ako. Bukas uli,” sabi ni Willy.
“Bye.”
(Itutuloy)
- Latest















