^

Punto Mo

‘Sandok’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

PATUNGO na nga ako sa pagiging matandang dalaga at inihahanda ko na ang sarili. Kung magkakaasawa pa ako, ipinauubaya ko na iyon sa Diyos. Siya na ang bahalang magkaloob sa akin ng karapat-dapat na lalaki.

Kung wala namang ipagkakaloob ang Diyos na makakasama ko sa buhay, tatanggapin ko. ­Paglilingkuran ko na lamang ang matanda kong ina. Tutulungan ko rin ang aking mga pamangkin. Ilan sa aking mga pamangkin ay tumutulong sa karinderya.

Isang araw, may isang lalaking customer na dumating at nag-order ng pagkain. Lunch time noon. Guwapo at maayos ang suot ng lalaki na sa tantiya ko ay past 50 na ang edad. Maaring kasing edad ko ang lalaki—ako ay 55 na.

Umorder ng kanin at nilagang baka ang lalaki. Tahimik na kumain sa table sa sulok ang lalaki.

Hindi sinasadya ay nagkatinginan kami at nagkangitian. Binawi ko ang pagkakatingin sa lalaki at pinokus sa pagbibilang ng pera sa kaha. Ako ang kahera ng tanghaling iyon.

Nang magbayad ang lalaki ay pinuri niya ang masarap na luto ng nilagang baka. Pagkatapos magbayad ay sinabi ng lalaki na babalik siya para makakain muli.

Nagpasalamat naman ako sa papuri niya.

Umalis na ang lalaki. Kahit nakaalis na ang lalaki ay walang tigil ang tibok ng puso ko. (Itutuloy)

MARRIAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with