^

Punto Mo

Sindikato ng droga, bantay sarado sa Davao Region!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Akin. Akin. Akin. Ito ang bansag ng mga kosa ko sa Camp Crame sa isang opisyal ng PNP na tinatawag nilang Heneral Akin. Anila, walang pinagkaabalahan itong si Heneral Akin kundi ang pagkakitaan. Lahat ng grasya, pasok sa bulsa ni Heneral Akin. Tira-pasok pala si Sir, no mga kosa?

Kung may tumalsik man sa bulsa ni Heneral Akin, ang mga opisyal lang na malalapit sa kanya ang nakikinabang.  Kaya malapit nang kasuhan si Heneral Akin ng genocide ng mga enlisted personel na dilat na ang mga mata sa gutom. Ayon sa mga kosa ko, mamamatay tao si Heneral Akin. Hehehe! “Pinapatay n’ya sa gutom ang kanyang mga tauhan,” anila. Araguyyyyy!

• • • • • •

“Hindi ito show. Tunay na laban ito!” Ito ang pahayag ni PRO11 Brig. Gen. Joseph Arguelles matapos ang sunud-sunod na mapasakamay ng kanyang mga tauhan ang P12 milyon halaga ng marijuana, Top 4 wanted sa droga at iba pa.

“Walang mataas. Walang mababa. Walang palusot,” ito ang warning ng command group ni Arguelles sa mga sindikato ng droga sa Davao Region. “Mabilis ang aksyon. Matibay ang paninindigan. At kahit saan ka magtago — ‘di ka makalulusot,” anila. “Simple lang ‘yan — sa rehiyon namin, bawal ang kriminal. Hindi kami magpapalampas ng kahit sino. Taguan kung taguan, pero kami ang taya. Sa dulo, kami pa rin ang bangka,” ang pahayag naman ni Arguelles.

Siyempre, inamin naman ni Arguelles na hindi nila makakamtan ang mga accomplishments na ito kung walang kooperasyon ng sambayanan. Ganun na nga! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nagsimula ang tagumpay ng kampanya ni Arguelles laban sa droga nang masakote nila ang isang drug peddler sa checkpoint operation sa Purok 26, Upper Malagamot, Bgy. Panacan, Davao City noong September 9. Matapos pumutok ang balita sa pagkaaresto sa drug peddler, kaagad-agad na isinuko ng jowa ng suspect kay Col. Mannan Muarip, acting Davao City director, ang P12 milyong halaga ng marijuana, pati na ang vape na may drug extract. Boom panis! 

“Illegal drugs remain a poison in our society. Let this arrest serve as a clear message: in Davao City, there is no safe haven for those who choose the path of crime,” ani Muarip. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Diretso kulungan naman si alyas Brad, ang Top 4 Regional High Value Individual sa buy-bust operation sa Purok Livi, Bgy. Pagsabangan Tagum City, Davao del Norte noong September 12. Nabawi sa bulsa at gamit nina Brad, at kasamang alyas ‘Tata’, ang 10 sachets ng shabu na nagkakahalagang P272,000 at iba pang personal items.

Wala nang drama — diretso inquest, pasok sa kaso under RA 9165. Hindi na umabot ng beer house, mga kosa. Sabit na, semento na ang kaharap! Behhhhh buti nga! Hindi rin pahuli ang Davao de Oro Police Provincial Office dahil nahuli nila ang street-level drug personality na si alyas Tata rin, 50. Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng Compostela MPS PDEU at 1st PMFC ang bahay ni Tata sa Bgy. Poblacion at nakumpiska ang dalawang sachets ng shabu.

Si Tata ay bagong identified na drug peddler ng Compostela MPS. Nasa kustodya na ng PNP si Tata at kakasuhan ito sa paglabag ng RA 9165. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi ni Arguelles na lahat ng sulok ng Davao Region ay may bantay vs droga. “Walang makakatakas,” aniya. Sanamagan! Abangan!

SYNDICATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with