‘Sandok’ (Part 3)
HINDI naman sa pagmamalaki o pagbubuhat ng sariling bangko ay may itsura rin naman ako kaya may mga customer na nagpapalipad hangin sa akin.
Karaniwang sinasabi ng mga lalaking customer ay: “Masarap na ang luto ay maganda pa ang may-ari!” o kaya naman ay “Maganda na ang tindera ay napakalinamnam pa ng tinda” at kung anu-ano pang mga papuri.
Karamihan sa mga customer ay mga pasahero ng bus na patungong Maynila. Malapit lang ang aming karinderya sa national highway at sa gasolinahan na madalas tigilan ng mga bus. Binibigyan ng pagkakataon na umihi at bumili ng pasalubong ang mga luluwas pa-Maynila.
Dahil isang kanto lang ang layo ng highway, sa karinderya ko kumakain ang mga pasahero ganundin ang mga drayber.
Lalong lumakas ang aking karinderya nang magtayo ng stop n shop sa highway. Maraming pasahero ang bumababa para kumain ng almusal at tanghalian.
Kumuha na ako ng ilang tauhan dahil sa dami ng kumakain. (Itutuloy)
- Latest



















