Matatanda na nang sumikat at yumabong
“IT’S never to late to start”. Ang kasabihang ito ang nagsisilbing konsolasyon sa mga taong hindi sinuwerteng masungkit ang tagumpay noong kanyang kabataan. Pero may tinatawag na “late bloomers” na kung kailan tumanda ay saka naman sinuwerteng magtagumpay. Nagpapatunay lang na habang humihinga ka, huwag mawawalan ng pag-asa. Narito ang halimbawa ng mga taong bumukadkad lang ang magandang kapalaran noong may edad na sila:
1. Fauja Singh: Ipinanganak noong 1911. Isa siyang British Sikh centenarian marathon runner mula sa Punjabi Indian descent. Nagsimula siyang sumali sa international marathon events sa edad na 89. Madalas siyang manalo sa ilalim ng kanyang age bracket. Aktibo siya sa pagsali hanggang edad 92.
2. Grandma Moses: Palayaw lang niya iyon bilang artist. Ang tunay niyang pangalan ay Anna Mary Moses. Isa siyang American artist na ang specialty ay landscape painting. Edad 78 nang magsimula siyang magpinta.
3. Momofuku Ando: Chinese-Japanese inventor ng instant ramen at founder ng Nissin Food Products Co. Ltd. Edad 48 nang imbentuhin niya ang instant chicken ramen pagkatapos ng sangkaterbang trial and error experimentations. Nang makuha ang tamang formulation, tinawag niya ang produkto ng Chikin Ramen. Opo, ganoon talaga ang spelling “Chikin”. Ibinenta niya ito ng 35 Yen per pack.
(Itutuloy)
- Latest
















