^

Punto Mo

Flocerfida (151)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SAGLIT na inalala ni Kikoy ang nangyari noong dalawin niya si Tatay Victor sa San Pablo para dalhin ang sulat ni Dong. Nagpaumanhin siya kay Tatay Victor dahil nun lang niya nadala ang sulat. Naunawaan naman siya ni Tatay Victor. Inistima siyang mabuti ng matanda. Pinakain nang masarap. Sinabi sa kanya ng matanda na duda siya sa pagkamatay ni Dong kaya humingi ito ng tulong sa kanya para malaman ang katotohanan kung may foul play sa pagkamatay ni Dong.

Mabuti at wala namang foul play sa pagkamatay—ayon na rin kay Florenz. Sakit ang ikinamatay ni Dong.

Nakahinga nang maluwag si Kikoy. Sa pagdalaw niya kay Tatay Victor sa San Pablo ay mayroon na siyang maibabalita na wala naman palang masamang nangyari kay Dong. Matatahimik na siguro ang matanda.

Ipinagpatuloy ni Kikoy ang pagbabasa sa sulat ni Florenz.

“Sinabi sa akin ni Dong na kaya niya gustong kumita nang malaki ay dahil sa anak niyang babae. Gusto raw niyang mapagtapos ito ng kolehiyo. Gusto niyang makapag-ipon nang ma­laki para sa kinabukasan nito. Iniwan kasi si Dong ng ka-live in at iniwan ang anak kay Tatay Victor. Sabi ni Dong, gusto niya bago mag-finished contract ay malaki ang maiuwing pera para sa kanyang anak.

“Kaya nga kahit nagdududa ako kay Dong tungkol sa pagkawala ng pera ng samahan, hindi na ako nagsalita pa. Alam ko kasi, para sa anak niya ang dahilan kaya gusto niyang makaipon.

“Basta ang hiling ko lang dalawin mo si Tatay Victor at ang anak ni Dong…”

Iyon ang huling bahagi ng sulat.

Gagawin niya ang pi­nangako kay Florenz. Da­dalaw siya sa San Pablo.

(Itutuloy)

DONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with