Mga batas ng buhay: Simpleng aral para sa araw-araw
1. Murphy’s Law: Mas lalo mong iniisip nang paulit-ulit ang kinatatakutan mong mangyari, lalo lang ito magma-manifest na magkatotoo. Kaya ang isipin mo ay ‘yung gusto mong mangyari at hindi yung ayaw mong mangyari.
2. Kidlin’s Law: Kapag naisulat mo sa papel ang iyong problema nang buong linaw at detalyado, ito ay maituturing na na-solved mo na ang 50 percent ng iyong problema.
3. Gilbert’s Law: Kapag tinanggap mo ang isang trabaho, ang responsibilidad mo ay hanapan ito nang pinakamagaling na pamamaraan upang magkaroon ng magandang resulta.
4. Wilson’s Law: Kapag ang inuna mo ay paggamit ng iyong talino para magkaroon ng sapat na kaalaman, walang duda na ang kaalamang ito ang magdadala sa iyo ng pagkakakitaan.
5. Falkland’s Law: Kung wala namang nasa bingit ng kamatayan, huwag pilitin ang sarili na gumawa ng desisyon kung hindi ka pa handa. Mabuti na ‘yung i-delay ang pagdedesisyon para mailatag na mabuti ang gagawing hakbang.
Konklusyon: Ang mga batas na ito nina Murphy, Kidlin, Gilbert, Wilson, at Falkland ay nagsisilbing paalala na ang ating pag-iisip, kaalaman, at desisyon ang humuhubog sa ating kinabukasan.
Itinuturo ng mga prinsipyong ito na maging maingat sa kung ano ang ating pinagtutuunan ng isip, matutong maglatag ng malinaw na solusyon, paghusayin ang bawat tungkuling tinatanggap, at pahalagahan ang tamang oras ng pagpapasya.
Sa pamamagitan ng mga aral na ito, nagkakaroon tayo ng gabay upang maging mas responsable, matalino, at matagumpay sa ating buhay.
- Latest















