^

Punto Mo

‘Duyan’ (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGULAT ako nang makitang umuugoy nang ma?akas ang duyan, Wala namang ibang tao sa paligid. Hindi rin malakas ang hangin.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan. Manghang-mangha ako. Bigla kong naalala ang ikinuwento ni Inay na nakita rin niyang umuugoy ang duyan noong ako ay sasagpangin ng sawa habang nasa duyan. Malakas din ang ugoy ng duyan noon naging dahilan para malaglag ang sawa at nakaligtas ako sa kamatayan.

Nang lubusang tumigil ang pag-ugoy ng duyan ay lihim akong umusal ng dasal bilang pasasalamat. Naniniwala akong ang aking anghel de la guwardiya ang nag-ugoy sa duyan. Wala nang iba pang nagligtas sa akin kundi ang anghel.

Pagkatapos kong umusal ng dalangin, ay binalot ko na ang duyan sa malaking plastic. Sinigurado kong hindi papasukin ng alikabok ang cover para manatiling bago at malinis ang duyan.

Pagkatapos ay maayos ko itong dinala sa silong ng bahay at tinago. Sa sunod na pag-uwi ko na lang uli lilinisin ang duyan.

Nanininiwala ako na ang pag-ugoy ng duyan kanina ay bilang pasasa?amat sa akin dahil lagi ko itong nililinis. Tumatanaw din ng utang na loob.

Hanggang ngayon, na?anatili pa ring bago ang duyan.

DUYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with