^

Punto Mo

Tatlong aral, tatlong Presidente

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG unang panahon sa kasaysayan ng United States, may tatlong tao na nagmula sa iba’t ibang antas ng buhay. Hindi sila ipinanganak na may parehong yaman, lakas, o impluwensya ngunit pinatunayan nilang ang tunay na tagumpay ay nagmumula sa tiyaga at pananampalataya sa sarili.

Si Abraham Lincoln – Isang batang lumaki sa kahirapan. Ayon sa kanya, isang taon lang siyang nakaranas pumasok sa paaralan noong kanyang kabataan at ang iba ay dinaan na lang niya sa self-study. Nanghihiram siya ng libro sa mga kapitbahay at madalas na nagbabasa ng diyaryo upang hindi mahuli sa mga kaganapan ng bansa at buong mundo. Sa halip na dumaan sa law school (na bihira pa noon), nag-aral siya sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga batas (“reading law”) habang nagtatrabaho sa korte. Noong 1836, matapos ang ilang taong self study, pumasa siya sa bar exam sa Illinois at opisyal na naging abogado. Ilang beses siyang kumadidato ngnit laging natatalo sa halalan. Sa pagtitiyaga, nanalo din siya na naging daan upang maging ika-16 na Pangulo ng Amerika.

Si Franklin D. Roosevelt – Isang taong nakaranas ng polio, at halos hindi na makalakad. Para sa marami, katapusan na iyon ng kanyang pangarap. Ngunit hindi niya hinayaang maging hadlang ang kanyang kapansanan. Sa halip, nagsilbi siyang inspirasyon na kahit may limitasyon ang katawan, walang makakahadlang sa taong may matatag na loob. Siya ang naging tanging Pangulo ng U.S. na nanilbihan ng apat na termino, at pinangunahan ang bansa sa panahon ng Great Depression at World War II.

Si Barack Obama – Lumaki sa isang simpleng pamilya, at minsan ay kinutya dahil sa kanyang kulay at pinagmulan. Ngunit pinili niyang hindi magpatalo sa diskriminasyon. Sa halip, ginamit niya ang kanyang talino, malasakit, at pangarap para sa pagbabago. Noong 2008, siya ang naging unang African-American na nahalal bilang Pangulo ng Estados Unidos.

Mula kay Lincoln natutunan natin na ang pagkatalo ay hindi katapusan kundi hakbang patungo sa tagumpay.

Mula kay Roosevelt, na ang kahinaan ay puwedeng maging lakas kung may tapang ka sa puso.
At mula kay Obama, na kahit anong hadlang ng lipunan, kayang lampasan kung may pangarap at determinasyon.

PRESIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with