^

Punto Mo

‘Duyan’ (Part 7)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

IKINUWENTO ni Inay kay Itay at sa aking mga kapatid ang nangyari. Hindi makapaniwala si Itay at maituturing na himala ang pagkakaligtas ko sa gutom na sawa. Sabi ni Itay, ang gutom na sawa ay agresibo at walang makapipigil sa gagawin nitong paglingkis sa biktima. Napakahigpit umano kung lumingkis nito na sa isang iglap ay mababali ang buto ng biktima.
Napa-Hesus Maryosep si Inay sa narinig. Larawan ng takot ang mukha.

“Kung may nangyari kay bunso, hindi ko mapatatawad ang sarili,’’ sabi ni Inay na ako ang tinutukoy. “Kung nabiktima siya ng sawa, baka masira ang katinuan ko,’’ sabi pa ni Inay.

“Pero sino ang umugoy sa duyan kaya napigilan ang sawa sa paglingkis kay bunso?” tanong ni Itay.

“Malakas ang kutob ko na ang anghel de la guwardiya ni bunso ang umugoy sa duyan. Binabantayan siya ng anghel.”

“Posible nga! Niligtas siya ng anghel.”

Ang nangyari sa akin ay kumalat sa buong barangay. Marami ang hindi makapaniwala sa nangyaring himala sa akin.

Lalo nang marami ang nanghilakbot nang mahuli ang sawa na mambibiktima sana sa akin.

Napatay ang sawa dahil sa sunud-sunod na pagkawala ng mga baboy, kambing at mga manok. Nang biyakin ang tiyan, nakita ang maraming kinain.

Kung hindi ako nailigtas ng aking guardian angel, baka nalulon ako ng sawa.

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with