^

Punto Mo

Mga bagay na mas mabuting itikom ang bibig

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Huwag mong ikuwento sa iba ang iyong hirap na pinagdadaanan, dahil may ilan na palihim na natutuwa sa mga iyon.

2. Huwag mong ikuwento ang mga kahinaan mo, iyon ang gagamitin nila laban sa iyo kapag nagkaroon sila ng pagkakataon.

3. Huwag mong ipaaalam ang iyong mga plano, baka nila iyon isabotahe .

4. Huwag sabihin sa iba ang susunod mong malaking hakbang. Kumilos nang tahimik, gumawa ng aksyon, at gulatin na lang sila sa magiging resulta mo.

5. Huwag mong ipagsabi ang iyong mga lihim, tanging mangmang lamang ang nagbubunyag ng kanilang sikreto.

6. Huwag ipagsabi kung magkano ang sinusuweldo mo o kinikita sa iyong negosyo. Hayaan mong magtaka sila.

7. Huwag ikuwento ang problema ng pamilya.

8. Protektahan ang sikretong ipinagkatiwala sa iyo ng kaibigan.

9. Huwag ipagsabi ang pangit mong nakaraan.

10. Sa workplace, huwag ibahagi sa kanila ang iyong opinyon o tirada tungkol sa pulitika at relihiyon. Maaaring maging dahilan ito ng pagkawala ng iyong trabaho. Lahat nang bagay ay may tamang oras at lugar para ito pag-usapan.

MOUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with