‘Duyan’ (Part 5)
GUMAPANG ang sawa patungo sa kinahihigaan kong duyan para ako’y lingkisin at saka lululunin.
Pero bago nagawa iyon ng sawa, biglang umugoy ang duyan. Palakas nang palakas ang ugoy hanggang sa makabitaw ang sawa at nalaglag sa lupa.
Tatangkain pang gumapang muli ng sawa na gumapang sa duyan subalit isang malakas na ugoy at tumama ang bahagi ng duyan sa mukha ng sawa dahilan para ito umilandang ng ilang metro.
Tamang-tama na sa pag-ilandang ng sawa ay dumating si Inay at nakita niya ang malaking sawa. Nakita rin niya na umuugoy ang duyan.
Nadampot ni Inay ang ga-brasong sanga ng madre cacao at hinampas ang sawa. Biglang gumapang ang sawa palayo patungo sa damuhan at nawala.
Pagkatapos ay mabilis akong dinampot ni Inay sa duyan at tiningnan kung may bakas ako ng kagat o sugat. (Itutuloy)
- Latest


















