‘Duyan’ (Part 4)
MAYROON palang hindi malilimutang kuwento kung bakit ganun na lamang ang pagmamahal ko sa duyan. Noon ay nine months old daw ako.
Ayon mismo kay Inay, inilagay niya ako sa duyan pagkatapos pasusuhin. Magsasampay daw siya ng nilabhang
mga damit. Walang ibang magba?antay dahil ang aking mga kapatid ay nasa school.
Habang nagsasampay ng damit si Inay ay nasa duyan ako at natutulog. Walang kamalay-malay si Inay, isang malaking sawa ang gumagapang palapit sa kinahihigaan kong duyan.
Ang duyan ay nakaangat sa lupa ng hanggang baywang. Hindi gumagalaw ang duyan dahil mahimbing akong natutulog. Kapag pinatutulog ako ni Inay ay inuugoy lang niya ang duyan. Nakatali ang duyan sa mala?ing puno ng mangga.
Tila naamoy ng sawa na mayroong natutulog na sanggol sa duyan kaya iyon ang pinuntiryang puntahan. Itinaas ng sawa ang ulo at inilabas ang magkasangang dila. Handang manlingkis.
(Itutuloy)
- Latest















