Sa Davao Region, mga pasaway ‘di ligtas sa batas! — Arguelles
“Sa Davao Region, hindi ligtas ang sinumang sangkot sa droga at kriminalidad. Saan man kayo magtago, aabutin namin kayo.” Ito ang pagbabanta ni PRO11 director Brig. Gen. Joseph Arguelles habang walang tigil ang kanyang mga tauhan sa paglilinis ng komunidad para tiyakin na ligtas, payapa at maayos na kapaligiran. ‘Ika nga, kung krimen at droga ang pag-uusapan, hindi nagpapapetiks-petiks ang PRO11.
Dahil isinusulong ng mga tauhan ni Arguelles ang direktiba ni Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang tatlong haligi ng Bagong Pulisya- ang mas ligtas na komunidad, disiplinado at maasahang serbisyo at progresibong rehiyon para sa lahat. Ehem, ehem! At kuwidaw kayo mga kosa, hindi ito kuwentong barbero ha?? Ganun na nga! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Kaya sa ilalim ng liderato ni Arguelles tapos na ang maliligayang araw ng mga sindikato ng droga sa Davao Region. Nitong nakaraang Agosto lang, rumaragasa ang isinagawang sunud-sunod na operations ng PRO11 at sa katunayan umabot sa P17.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam. Huli cow!
Ito’y dahil sa 328 anti-drug operations na ikinasa sa iba’t ibang panig ng rehiyon. Ang resulta? Umabot sa 91 high-value individuals (HVIs) at 275 street-sevel individuals (SLIs) ang nasungkit. Kumbaga, lahat ng level ng kalokohan inuyog ng batas! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
At hindi pa tapos diyan ang laban vs droga mga kosa! Mula Agosto 18 hanggang 31, naglatag pa ng 136 dagdag na operasyon, at P3.7 milyon na droga ang nasamsam at 151 na suspek ang nakuyog. Kasama na riyan ang 32 HVIs at 119 SLIs. Sanamagan!
Sa buwan na ito, sunud-sunod din ang bagsak ng mga bigtime drug pushers sa Rehiyon! Nitong Setyembre 1, nahuli sa Nabunturan, Davao de Oro si alyas “Ken”, na Top 10 RHVI at nasamsaman ng shabu na worth P136,000 at si alyas “Kap” naman ay nasakote sa Digos City, Davao del Sur noong Setyembre 3 na may bitbit na siyam na heat-sealed na shabu na nagkakahalaga ng P384,800.
Si Kap mga kosa ay isang aktibong pulis at Top 1 RHVI. Tsk tsk tsk! Pulis na dapat nagpapatupad ng batas eh s’ya pa ang liumabag sa batas. Dipugaaaaa! Kaya sa PRO11, walang sinasanot kahit unipormado. Mismooo! Noong Setyembre 6 naman, inaresto sa buy-bust operation sa Davao City si alyas Jovan at nasamsam sa kanya ang 13.35 kilos of marijuana na nagkakahalagang P2.67 milyon.
Kasama sa nakumiska angn sang digital scale, cellphone, buy-bust money, at iba pang paraphernalia. No escape si Jovan, kahit gabi pa ang galawan! Sa liderato ni Arguelles, walang ligtas ang kriminal kahit saan magtago at kahit anong mang oras. Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Siyempre, rumatsada rin ang anti-criminality efforts ng PRO11, lalo na ang cyber patrols 24/7, at ang patok na “5-minute response time.”?alamat sa bagong push-to-talk radios, real-time na ang communication. Wala nang aberya, at wala nang palusot. Mabilis. Matibay.. at Maaasahan.
Kaya ang PRO 11, hindi lang umaaksyon umiikot, rumaragasa, at bumabanat! Araguyyy! kaya sa mga pasaway d’yan sa PRO11 na naniniwalang makakalusot sila sa mata ng batas.
Dahil ang liderato ni Arguelles ay hindi nagpapabebe. Tapos na ang maliligayang araw n’yo na mga salot sa lipunan! Purbidang yawaahhh! Abangan!
- Latest




















