^

Punto Mo

‘Duyan’ (PART 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MASAYA ang aking kabataan sa probinsiya. Anim kaming magkakapatid. Ako ang bunso. Marami rin akong pinsan. Magkakalapit ang aming bahay kaya sama-sama kaming naglalaro. Nagtataguan, naghahabulan at kung anu-ano pang mga laro. Napakasaya namin kapag naghahabulan at nagtataguan. Halos magkakasing-edad kami ng aking mga pinsan kaya damang-dama ko ang kakaibang saya.

Kapag nagsawa kami sa paghahabulan at pagtataguan ay pupunta naman kami sa ilog para maligo. Napakalinis ng ilog at napakalinaw kaya napakasarap maligo. Dumadayb kami mula sa nakayungyong na sanga ng madre cacao.

Pagkatapos maligo ay pupuntahan naman namin ang bayabasan. Napakaraming puno ng bayabas. Hindi itinanim ang mga bayabas kundi kusang tumubo dahil sa mga ibon. Ang sarap kumain ng malutong na bayabas.

Pero sa lahat nang hindi ko malilimutan ay ang paglalaro namin habang nakasakay sa duyan na yari sa uway.

Bawat bahay sa amin ay may duyan na nakatali sa dalawang magkatapat na puno.

Dun sa duyan ako natutulog kapag inabot ng antok at pagod sa paglalaro.

(Itutuloy)

CACAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with