Mga nakatutuwang katotohanan at pag-aaral tungkol sa babae
• Ang mga babae ay mabilis mainip.
• Sa “top 20 richest women in the world”, isa lang ang yumaman mula sa sariling pagsisikap, ang 19 ay mga pinamanahan lamang ng mayayamang magulang o asawa.
• Mga two percent lang ng mga kababaihan ang naglalarawan sa kanilang sarili na sila ay maganda.
• Hindi naaakit ang mga babae sa mga lalaking malaki ang tiyan.
• Sa 19 pares ng sapatos na pag-aari ng isang babae, apat lang doon ang regular niyang isusuot.
• Magagaan ang timbang ng sanggol na isinisilang ng matatangkad na babae.
• Maliit lang na sanggol ang ipinapanganak ng babaeng humihilik habang siya ay nagbubuntis.
• Mas magaling ang mga babae sa multitasking kaysa mga lalaki.
• Nahihirapang maghanap ng mapapangasawa ang mga babaeng may mataas na I.Q. Mas pipiliin nilang maging single forever kaysa mapapunta sa lalaking hindi pasado sa kanilang panlasa.
• Sa umpukan ng mga lalaki, mahilig silang mag-insultuhan pero biruan lang iyon at walang katotohanan. Sa umpukan ng mga babae, nagpupurihan sila sa isa’t isa pero plastikan lang iyon at walang katotohanan.
• Ang mga babae ay magaling ang memorya sa pag-alala ng pangalan ng magagandang babae dahil “threat” iyon sa kanila.
• Bagama’t mas maliit ang utak ng babae kaysa lalaki, ginagamit naman niya iyon nang buong husay.
• Mas madalas bangungutin ang mga babae at ang kanilang napapanaginipan, kung hindi nakakatakot ay emotionally based dream, halimbawa ay nagtatampo o nagseselos.
• Kung gusto mong manalo sa pakikipagtalo sa mga babae, tumahimik ka at tingnan mo ang mangyayari.
• Mas sabik sa sex ang mga babae kaysa lalaki, hindi lang sila nagpapahalata.
- Latest















