Flocerfida (136)
SABIK na ikinuwento ni Florenz kay Kikoy ang mga naimbento nito habang nasa Saudi Arabia. Lumabas daw ang pagiging chemist niya habang nagtatrabaho sa disyertong bansa. Para raw lumipas ang mga nakabuburyong na oras sa Saudi ay nag-isip siya ng maiimbento.
Sa unang pagtapak pa lang daw niya sa Saudi ay napagtuunan agad niya ng pansin ang maraming dates sa center island ng mga kalsada. Alagang-alaga ang mga dates. Bawal itong sirain dahil may katapat na kaparusahan. Kapag nasira o nabangga ang dates, mabigat na parusa ang kahaharapin ng gumawa. Ang dates ang pambansang puno ng Saudi Arabia.
Masarap ang bunga ng dates na tinatawag na tamr. Matamis, malinamnam at nagbibigay ng lakas.
Ikinuwento ni Florenz na sa bakuran ng kanilang housing accommodation ay may tanim na dates na maraming bunga.
Doon nagkaroon ng ideya si Florenz na kunan ng tuba ang dates. Kung masarap ang bunga ng dates, tiyak masarap din ang tuba. Kabilang ang dates sa palm family. Mayroon itong katas sa pinakapuso. Doon kukunin ang tuba.
(Itutuloy)
- Latest















