^

Punto Mo

‘Lighter’ (Part 7)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI na nakipagkita at dumalaw man lang sa aming bahay ang kaibigan at kumpare ni Itay na si Avelino. Nagalit kay Itay dahil naiwala ang lighter. Sa kabila na sinabi ni Itay na nawala iyon nang tumawid sa ilog at sumabit sa kahoy, hindi iyon pinakinggan ni Avelino. Ikinalungkot ni Itay ang pangyayari. May pagkakataong nag-iisip si Itay dahil sa nasirang pagkakaibigan nila. Masakit kay Itay dahil mula pa elementarya ay magkaibigan na sila ni Avelino. Maski nang mag-high school ay lagi silang magkasama.

Ako ang lihim na nanggigigil sa ipinakita ni Avelino sa aking ama. Tumanim iyon sa aking isipan.

Naipangako ko sa sarili na kapag nagtapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho ay maghahanap ako ng lighter na katulad na katulad ng binigay ni Avelino kay Itay.

Nagtapos ako ng may karangalan sa kolehiyo. Nakakuha ng trabaho na may malaking suweldo.

Kahit matagal nang nangyari ang isyu na may kinalaman sa nawalang lighter, hindi ko iyon malilimutan.

Minsang nag-trip ako sa Tokyo, naghanap ako sa mga tindahan doon ng lighter na katulad na katulad ng lighter na ibinigay ni Avelino kay Itay. Nakakita ako sa isang tindahan na malapit sa Shibuya Station. Dalawa ang binili ko. Sigurado ako na iyon ang lighter sapagkat maraming beses na ipinakita sa akin iyon ni Itay. (Itutuloy) 

LIGHTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with