‘No take policy’ ni Aberi sa sugal lupa, hangin lang!
IKINAKALAT ni NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin na “no take” siya sa illegal gambling. Owwww! Mukhang si Aberin lang ang naniniwala sa “no take” niya. Kasi nga naman, hindi naman ibinabando ni Aberin ang programa niya laban sa sugal-lupa kundi binubulong lang niya sa kanyang mga kaklase. Hindi rin nakarating sa limang police districts ang “no take” ni Aberin. Bakit?
Kasi nga mga kosa, hayagan naman ang sugal-lupa sa Metro Manila at kung may nagsarahan man, ‘yaon ay sa sobrang talas ng mga tong kolektor n’ya. Araguyyy! Ayon kay kosang Leo Labrador, ang gumigisa sa pangalan ni Aberin sa players ng sugal lupa ay sina alyas JB at Tisoy. Get’s mo Lt. Col. Jun Ananayo Sir? Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Totoo kaya na tumatanggap na ang mga tong kolektor ni Aberin ng payola sa EZ2? Itong palaro kasi mga kosa ay ipinagbawal na kotongan dahil pampalakas ito sa Small Town Lottery (STL) ng PCSO. Subalit sa Maynila, tumanggap na ang tong kolektor ng weekly tangga sa EZ2 na maaring ikagagalit ng pulitiko sa Camarines, na may palarong STL sa Maynila.
Kung sabagay, kung ang buong Metro Manila na ang may parating sa EZ2, malaking pitsa rin ang maiakyat nito sa NCRPO official, di ba Col. Ananayo Sir? Teka, teka! Si Ananayo ay hepe ng RDSOU ang binabanggit ni Tisoy na inaabutan n’ya ng weekly payola ng mga gambling lords na sina Joy at Capricorn ng Paranaque.
Ang ibig sabihin sa R ng RDSOU mga kosa ay Rekta. Kanino? ‘Yan ang dapat alamin ni Aberin, na ginagaya ang “no take policy” noon ni PNP OIC Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Dipugaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Pero maaring totoo ang “no take” ni Aberin mga kosa dahil, ayon sa press release niya, nakaaresto ang NCRPO ng 918 katao sa 387 na illegal gambling operations na ikinasa niya mula Agosto 1 hanggang 15. Umabot sa P207,718 cash bets ang nakumpiska. “By dismantling gambling networks that fuel other crimes and erode discipline at the grassroots, the NCRPO is tightening control on the very breeding ground of lawlessness,” ani Aberin. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ayon kay Aberin, ang Northern Police Disrict (NPD) ang nanguna sa kampanya laban sa suigal-lupa sa pamamagitan ng pagsagawa ng 138 operations kung saan nagresulta ng pagkaaresto ng 320 katao at pagkumpiska ng P65,657 cash bets. Pumangalawa ang Manila Police District (MPD) na may 116 operations na nagdulot ng 269 inarestong suspects at P54,099 cash bets na nakumpiska.
Ang Southern Police Disrict ay may 52 operations, 153 katao ang nahuli at P31,633 cash bets ang nalikom, samantalang ang Quezon City Police District ni Col. Randy Glenn Silvio ay may 66 operations, 143 ang nahuli at P51,119 ang narekuber. Dahil wala namang laman, ang Eastern Police District EPD) ay nagsagawa ng 15 operations, 33 ang naaresto at P5,210 ang nakumpiska. Hehehe! Purbidang yawaah, epektibo ang “no take” ni Aberin.
Dahil sa magandang resulta ng anti-illegal gambling operations ng NCRPO, idineklara ni Aberin na ang Metro Manila “is no longer a safe haven for illegal gamblers and operators.” Sa ilalim ng kanyang liderato, si Aberin ay “ determined to cut down every avenue where gambling thrives, ensuring that communities are shielded from its corrosive grip.” Hayan, naniniwala ba kayo sa ‘no take” ni Aberin, mga kosa? Abangan!
- Latest
















